Panoorin: Tulog at nag-iinumang mga pulis habang naka-duty, huli sa akto ng NCRPO chief


Makikita sa video na huling-huli sa akto ang mga pulis habang nagiinuman at ang iba naman ay tulog na nakaduty sa Pasay police station.
Nahuli ni Albayalde ang mga natutulo at nag-iinuman pulis sa lungsod ng Muntinlupa at Pasay.
Ang surprise inspection na ito ay pinangunahan ni NCRPO Police chief Director Oscar Albayalde nito lamang araw ng Miyerkules.

Mahimbing ang tulog ng mga nasabing pulis habang ginigising ni Albayalde, maging ang Commander na si Senior Insp. Ferdinand Duren ay hindi agad nagising nang isagawa ang inspeksyon.

Matapos ang nangyaring inspeksyon ay agad na sinibak ni Albayalde ang mga nahuling pulis.

“Serious po tayo sa mga ganitong mga maling gawain ng ating mga pulis,” pahayag ng NCRPO chief sa kaniyang panayam sa dzBB.

Sinabi rin ji Albayalde na bukod sa pagsibak sa serbisyo, mahaharap din ang mga ito sa administrative case.

Pagdidiin pa ni Albayalde na dapat at magsipag pa ang mga pulis dahil dinoble ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang sahod.

“Dati nirarason natin na maliit ang ating sweldo, ngayon dinoble na ng ating presidente kaya nararapat na ibigay natin sa ating mga kababayan ang tunay na pagseserbisyo,” ani ng hepe.

Panoorin ang video sa ibaba:



***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.