Pamilya Demafelis, bitay sa harap ng publiko ang sigaw para sa pumatay kay Joanna


Humiling ang pamilya ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis sa Kuwait na parusahan ng bitay sa harap publiko ang nahuling suspek sa pagpatay kay Joanna, na itinago sa freezer.
Ayon sa tiyuhin ni Joanna na si Pablo Demafelis, Barangay Kagawad sa kanilang lugar dapat patawan ng kamatayan ang amo ni Joanna na si Nadder Essam Assaf bilang kabayaran sa karumal-dumal na ginawa ng mga ito sa kanilang kamag-anak.
Aniya, kahit na naaresto na ng interpol si Assaf ay nangingibababaw parin ang galit sakanila.

Hiniling din ng pamilya Demafelis na sana ay mahuli narin ang babaeng amo ni Joanna na kasalukuyang pinaghahanap parin ng otoridad.

Samantala, sinabi naman ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Jr. na isang positibong pangyayari ang mabilis na pagkakahuli sa lalaking amo na si Assaf.

Hindi naman aniya lingid ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaagad mahuli ang mga pumatay kay Joanna.

Inamin naman kaagad ni Assaf ang krimen na kanilang ginawa sa Pinay helper.

Aniya, siya ang naglagay kay Joanna sa freezer pagkatapos paluin ng kanyang asawa.

Inamin nito din nito na buhay pa si Joanna ngunit walang malay noong nilagay nito sa freezer.


***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.