Pacquiao sa BFF na bumaboy sa Boracay: Basta may violation, walang kaibi-kaibigan

Ayon kay Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquiao, kahit kaibigan nito ang may-ari ng Boracay West Cove ay nanindigan itong dapat managot ito sa batas sa  mga paglabag sa environmental laws.
Aminado si Senator Pacquiao na kaibigan nito ang kasalukuyang namamahala sa kontrobersiyang resort.
“Kaibigan ko si Crisostomo Aquino, kaibigan ko, kasi siya ang nagdala ng flag dati sa ring,” pahayag ni Pacquiao.

Sinabi naman ng Pambansang Kamao na kahit kaibigan nya ito ay hindi siya nakikialam sa pagpapatakbo ng resort at wala siyang kinalaman sa negosyo ng kaibigan.

“Hindi ako nakikialam­ du’n, how many years na ako, almost 10 years na akong ‘di nagpupunta sa Boracay. Hindi na rin mga 10 years na rin ka­ming hindi nagkikita,” paliwanag pa ni Manny Pacquiao.

Iginiit din ni Pacquiao na kahit na sinong lumabag sa batas ay dapat managot.

“Basta lahat ng lu­mabag may violation, walang ano, serbisyo sa gobyerno ang dinipensahan natin government, walang kaibigan, once na nasa government ang dinidipensahan ko ‘yung government, ‘yung kapa­kanan ng para sa mga tao,” dagdag ng senador.

Itinanggi rin ni Pacquiao na part owner siya sa resort ni Aquino.

“Hindi. Christian ako ‘di ako nagsinungaling, bawal magsinungaling. Sa Sarangani may beach ako,” sagot pa ni Pacquiao nang matanong kung kasosyo siya sa Boracay West Cove.

Samantala, noong 2012 sa isang panayam kay Pacquiao ay sinabi nito na tinulungan nya ang kanyang kaibigan na si Aquino upang makakuha ng permit para maipatayo ang resort sa Boracay.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  abante.com.ph

No comments

Powered by Blogger.