NPC President Guitierrez kay Pia Ranada: Huwag balat sibuyas


Lumabag sa Article 11 ng Journalist Code of Ethics, si Rappler reporter Pia Ranada Robles dahil sa ipinakita nitong asal habang pilit na kinunan ng reaction ang Presidential Security Group (PSG), ito ay ayon kay  National Press Club (NPC) President Paul Guitierrez.
Pinipilit umano ni Ranada na tanungin ang PSG member na si Marc Anthony Cempron na sabihin kung kanino galing ang utos na bawal na siyang magkober sa Palasyo.
Sinabi ng presidente ng NPC na dapat ay umasal ng maayos at mahinahon si Ranada habang tinatanong nito ang PSG member.

Ipinaliwanag ni Guitierrez na dapat huwag maging balat sibuyas si Ranada dahil ang journalist ay bukas din sa mga anumang kritiko na maaaring ipukol gaya ng mga politiko.

Sinabi ni Guitierrez na dapat ang journalist ay maging patas at walang kinikilingan pagdating sa kanilang ibinabalita.

Nito lamanag Martes ay ipinagbawal si Ranada ng Rappler na mag-cover sa mga Presidential Events sa loob at labas ng Malacañang.

Pinigilan ng Presidential Security Group si Ranada na makapasok sa Malacañang para i-cover ang event ni Pangulong Rodrigo Duterte.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source: rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.