Misis ni Jed Mabilog kay Duterte: Nababaliw na, nag-aakusa na walang pruweba


Nagpakawala ng maaanghang na salita ang asawa ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa diumano'y mga akusasyon ng Pangulo sa kanyang asawa.
Nangyari ang mga patutsada ni Mrs. Maria Victoria Mabilog ng ulitin ng Pangulong Duterte ang akusasyon nito sa dating alkalde nang magtungo ito sa Iloilo para dumalaw sa burol ni Joanna Daniela Demafelis, ang Ilongga OFW na pinatay sa Kuwait.
Sinabi ng maybahay ng dating alkalde na gawa-gawa lamang at pawang kasinungalingan ang akusayon ni Pangulong Duterte sa kanyang asawa.

Sinabi ni Mrs. Mabilog na nabaliw na umano ang Pangulong Duterte na nag-aakusa kahit walang sapat na ebidensiya.

Inihalintulad rin ng dating first lady ng Iloilo City ang sitwasyon nila kay Sen. Antonio Trillanes na inakusahan ng pangulo na may mga bank accounts ngunit noong huli ay sinabing gawa-gawa lang ang mga account number.

Ayon pa kay Mrs. Mabilog, Dapat ipakita ng anak ni Pangulong Duterte na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang kanyang tattoo sa likod na inakusahan ni Senator Trillanes na miyembro raw ito ng triad.

Sinabi rin nito na kahit nagtagumpay ang Pangulo na mapaalis ang kanyang asawa sa Pilipinas ay hindi parin sila titigil na labanan ang mga kasinungalingan ng Chief Executive.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.