Mga magulang ang nakikiusap sa amin na ipa-autopsy ang kanilang anak, ‘di kami – PAO


Dahil sa pagpapatigil sa Public Attorney’s Office para sa imbestigasyon sa pagkamatay ng mga bata dahil dengvaxia vaccine, nagmatigas si PAO chief Persida Acosta at sinabing ang mga magulang ng mga bata ang lumapoit sakanila para sa imbestigahan ang pagkamatay ng kanilang mga anak.
Sinabi ni Acosta na nagsasagawa lamang sila ng mga forensic examination sa katawan ng mga bata sa kahilingan ng mga magulang.

“Ang nabanggit na eksaminasyon ay isinasagawa ng PAO Forensic Doctors batay sa HILING ng mga magulang na nais malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga anak,” saad sa statement ni Acosta.

“Hindi kusang nagprisinta ang PAO forensic doctors na magbigay ng kanilang serbisyo; bagkus, sila ay pinakiusapan ng magulang ng mga bata,” pahayag pa ng PAO chief.

“Katunayan ito ng tiwala at pananalig nila sa ahensya. Mayroon ding credible at non-conflicted pathologists ang PAO upang makumpleto ang eksaminasyon ng mga tissues na kailangan sa forensic analysis.”
Magugunitang naglabas ng statement ang DPW na kung saan, hinihimok nito ang Department of Justice na tuluyan nang itigil ang pag-autopsy sa mga labi ng mga bata.

“It makes no sense for any more families to be subjected to the torture of having a loved one exhumed and cut up only to find out that no useful information was derived from the cruel act,” batay sa statement ng DPW.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.