Hamon ng PAO sa mga nagsasabing safe ang Dengvaxia: ‘Magpaturok kayo!’


May hamon si Public Attorney’s Office (PAO)  Persida Rueda-Acosta sa mga nagsasabing safe ang anti-dengue vaccine na Dengvaxia magpaturok din ang kani-kanilang mga anak, apo, pamilya at iba pang mahal nila sa buhay.
Sinabi ni Acosta na halos hindi na makatulog ang mga magulang na naturukan ang Dengvaxia dahil tapos sasabihin lang ng mga kritiko na safe naman ang Dengvaxia at gumagawa lamang ang PAO ng isyu.

Ayon pa kay Acosta, nagtataka sila bakit hindi pa nakakapagsubmit ang DoH at Department of Education (DepEd) ng listahan ng mga batang naturukan sa buong bansa.

Sinabi ni Acosta na matagal na silang nagrequest ng listahan ngunit bakit hanggang ngayon ay tila bulagbulagan ang DoH at DepEd.

Kaya humihingi ang PAO ng listahan para mamonitor ng husto ang mga batang binakunahan ng Dengvaxia.

Nagpadala na ng formal letter ang PAO sa DoH at DepEd pero hanggang ngayon ay hindi sila binibigyan ng kopya na labis na ipinagtataka ni Acosta.

“Ito po ay awareness para po kung yung mga anak niyo na may sintomas na, ng critical signs of dengue severe or severe illnesses dahil sila ay hindi pa na-dengue nung maturukan, ‘wag na pong magpaligoy-ligoy ang mga magulang, dalhin sa mga ospital,” sabi ni Acosta.
Ayon naman kay dating Health secretary Janette Garin, handa siyang harapin ang anumang kasong isasampa sakanya kaugnay sa pagbili ng Dengvaxia vaccine noong siya pa ang kalihim ng DoH.

Ikinalungkot naman ni Garin ang ginawang pagsugod sakanya ng mga magulang ng mga batang namatay dahil diumano sa Dengvaxia vaccine.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  philstar.com

No comments

Powered by Blogger.