Giyera ‘pag may nangisda sa Philippine Rise – Digong


Sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na magkakagiyera kapag may nangahas na mangisda sa Philippine Rise.
Ayon sa Pangulo, magkakaroon umano ng giyera kapag may nagsagawa ng pananaliksik o ano mang aktibidad sa  kontrobersyal na piangaagawang Philippine Rise na walang pahintulot mula sakanya.
Sinabi rin nito na walang sinoman ang pwedeng mangisda rito dahil malinaw na pag-aari ito ng Pilipinas.

Nagpadala na aniya ang pamahalaan ng isang batalyon ng Philippine Marines sa lugar para bantayan ang teritoryo.

“Dito sa eastern side Philippine Rise, ‘yan atin talaga ‘yan. May pinadala na ako doon na Marines, isang batalyon. Sinabi ko talaga, walang mag-e-experiment hangga’t walang permiso galing sa akin but the Armed For­ces will have to recommend it. Otherwise, no, I will not allow fishing, I will not – magkagiyera tayo,” anang Pangulo.

Magugunita namang ilang beses ng tinaggihan ng Pilipinas ang kahilingan ng China na magsagawa ng scientific research sa Philippine Rise.

Samantala, noong nakaraang taon ay inihayag ng bansang China na bukas sila sa marine cooperation sa Pilipinas para sa anumang joint research sa Philippine Rise.

“I know for sure that China is willing to engage in marine cooperation, including joint scientific research, with friendly countries like the Philippines, so as to bring benefits to people,” ani Chinese Foreign Ministry spokesperson Lu Kang.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  abante.com.ph

No comments

Powered by Blogger.