GAGAYA | NPA, mang-aaresto rin?


Matatandaang inaresto nito lamang nakaraang araw ang isa sa consultant ng National Democratic Front (NDF) at kasalukuyang  nakakulong ngayon sa Camp Crame.
Dinakip si NDFP Consultant Rafael Baylosis ng mga tauhan ng CIDG-NCR sa Katipunan Road, Quezon City.

Kinondena naman ito ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary general Renato Reyes Jr. ang pagdakip kay Baylosis.

Sinabi ni Reyes na ito ay paglabag sa JASIG, at sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.

Ayon sa isang militanteng kongresista, ang pagpapaaresto sa mga consultant sa pakikipag-usap sa pangkapayapaan ng gobyerno at maaaring tapatan din ng New People’s Army (NPA).

Nababahala si Anakpawis partylist Representative Ariel Casilao na lumala ang sitwasyon sa pamamaraan ng pagtrato sa mga NDF consultants.

Sinabi nito na hindi makatao ang pag-aresto sa isang consultant nito lamang nakaraang araw.

Ayon kay Casilao, mala tokhang ang pagdakip sa nasabing consultant dahil tinaniman diumano ito ng mga armas bago inaresto.

Binigyan diin ni Casilao na hindi malulutas ang problema ng insurhensiya sa pamamagitan ng dahas.

Mas malalagay aniya sa magandang poder ng kasaysayan si Pangulong Rodrigo Duterte kung malutas ang kahirapan at inhustisya na tunay na ugat ng insurgency.
Sinabi rin nito na hihingi sila ng tulong sa Korte Suprema upang makapagpiyansa at makalaya ang NDF consultant.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.