FREE TUITION FREE | Mga estudyante na panay sali sa rally, tanggalin sa listahan - Duterte Youth Movement


Nito lamang nakaraang araw ay nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na patatalsikin sa University of the Philippines (UP) ang mga estudyanteng patuloy na magsasagawa ng kilos protesta laban sa kanyang administrasyon.
Ayon sa Pangulo, papalitan niya ng mga estud­yanteng Lumad at cultural minorities mula sa Min­danao ang mga patatalsiking estudyante.

Sinabi ng Pangulo na pera ng taumbayan ang ginagamit sa pag-aaral ng mga estudyante sa UP.

Sinabi rin ng Pangulo na hihikayatin naman niya ang mga estuyanteng Lumad na magagaling sa Math na sumali sa Philippine Military Academy.

Ayon naman sa Duterte Youth Movement na pinangungunahan ni Ronald Cardema ang Chairman ng Duterte Youth, dapat ay hindi mabenipisyuhan ng free tuition program ng gobyerno ang ilang kabataan na nananawagan para ibagsak ang gobyerno ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Cardema na dapat alisin sa listahan ang mga militanteng estudyate na hindi naman pumapasok sa klase sa halip ay panay ang pagsali sa mga rally na nananawagan na ibagsak ang gobyerno.

Iginiit din ni Cardema na dapat ay ipalit at bigyan ng pagasa upang makapagaral ang mga kabataang interesado na mag aral pero walang kakayahang pinansyal.

Tugon ito ni Cardema sa ikinakasa ng mga youth leaders na sumusuporta kay CPP-NDF Chairman Joma Sison na kilos protesta sa buong buwan ng Pebrero.
Sinabi ni Cardema na 80 porsyento ng mga kabataan sa bansa ay sumusuporta sa pamahalaan ni Pangulong Duterte habang 5 porsiyento lamang ng mga studyante ang kontra sa administrasyo.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.