Facebook Ban issue, nilinaw ni Senator Poe

Nilinaw ni Senator Grace Poe na hindi niya nais ipa-ban ang paggamit ng Facebook sa Pilipinas.
“Yan ang fake news. Hindi totoo yan, First of all, that’s counterproductive…Yun talaga ang disinformation.” ayon sa senadora.

Binatikos ng ilang netizen si Sen. Poe pagkatapos nitong tanungin ang isang resource person kung maaari bang i-block ang Facebook sa bansa.

“Let’s say, can you block a particular company like Facebook from being accessed in the Philippines. I know they do this in China. Do we have the capability?”

Sinabi ng senadora na walang malisyosong intensyon ang kanyang tanong at hindi niya ito gagawin dahil maging siya ay gumagamit ng nasabing social media site.

“Yung mga lumabas [sa social media], syempre hindi natin pipigilan. Ako mismo nasa Facebook, yung mga anak ko nasa Facebook. Marami sa ating mga kababayan ang kumukuha ng balita mula sa Facebook”

Pero, binigyan diin ng senador sa mga nagpo-post ng mga personal na saloobin sa Facebook, maging responsable lalo na kung nababangga na ang batas.

“We should be able to inform the citizens that they should be able to cross-check information that they get online. We’ve come up also with our own video of the proceedings, kasi it was spliced. If you’re conscientious enough and you really want to find the truth,…kasi kapag ayaw mong malaman ang katotohanan madali namang kalimutan yan,”

What we’re trying to do is how we can encourage Facebook to be able to cooperate with us,”
Ayon naman sa mambabatas na si Muntinlupa Representative Ruffy Biazon, ang pag ban ng Facebook sa Pilipinas ay hindi sagot sa pagkalat ng fake news sa bansa.

Sinabi ni Biazon na dapat maging mapanuri ang publiko sa mga lumalabas na balita sa mga social media.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Source:  rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.