Duterte, handang ibenta ang kaluluwa sa demonyo para matulungan ang mga OFW


Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, handa itong ibenta ang kanyang kaluluwa sa demonyo para lamang matulungan ang mga Overseas Filipino Worker o OFWs na nakaranas ng kalupitan sa kanilang mga amo.
“You come home and I will sell my soul to the devil to look for money so that you can come home and live comfortably here,”

Sa ginanap na talumpati ni Pangulong Duterte sa oath taking sa Malacañang na may mahigit isang daang presidential appointess, ipinahayag ng Pangulo ang kanyang galit sa ginawa ng mga dayuhan sa mga Pilipinang naabuso sa Kuwait.

Ipinakita ng Pangulo ang mga litrato ng iba nating kababayan ang sinapit na laupitan, pang-aabuso, panghahalay at pagtrato sakanilang hindi makatao ng mga dayuhang employer sa mga Pinoy workers.

Sinabi ng Pangulo na hindi ito mag aatubiling ubusin ang pondo ng gobyerno para lamang matulungan ang mga OFW.
Tiniyak ng Pangulo na tutulungan ng pamahalaan ang mga umuwi at mga uuwi pang mga OFW mula sa Kuwait.

Ibinunyag din ni Pangulong Duterte na mayroong tatlong Kuwaiti officials na gusto siyang kausapin upang maayos ang isyung ito.

Sinabi naman ng Pangulo na wala na siyang gana na makipag-usap pa kaya hahayaan nalang niyang maghintay ang mga ito.

Hindi naman maiwan ng Pangulo na sisihin ang nakaraang administrayon na tila aniya hinahayaan at walang ginagawang aksyon sa isyung ito.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.