Bato sa bintang ni Alejano na may pattern ang patayan: hindi mo alam yan dahil you are a navy hindi ka pulis.


Sinagot ni PNP Chief Ronald "Bato" dela Rosa ang sinabi ni Rep. Gary Alejano na may pattern daw siyang nakikita sa mga napapatay sa mga operasyon ng war on drugs ng administasyong Duterte.
Ayon kay Alejano, sa kanyang pananaliksik ay napag-alaman nitong madalas daw ay sa gabi napapatay ang mga hinihinalang pusher at adik.
“Hindi niya kasi alam ‘yan, kasi navy siya, hindi siya pulis. Hindi niya alam na ‘yung transaction ng droga ay nangyayari sa gabi. Sa gabi, sa madilim na lugar. Yes, Congressman Alejano, I am very sorry to tell you na hindi mo alam yung pattern dahil you are a navy officer hindi ka pulis. Kung pulis ka sana, alam mo na ‘yung transaksyon ng droga ay nangyayari sa gabi. Kapag umaga lahat ng [mga] drug addict [at] pusher, tulog ‘yan kapag araw. Kapag gabi medyo madilim na dahan-dahang gigising at dyan ‘yan nagkaka-transact sa gabi,” giit ni dela Rosa.

Sinabi rin ni Gen. Bato na hindi siya natatakot sa kugn ano mang magiging imbestigasyon ng Internation Criminal Court (ICC) tungkol sa kanilang kampaya kontra iligal na droga sa bansa.

“Makikita nila ‘yan if they will proceed with their investigation. Makikita nila ‘yung katotohanan. I am confident. Transparent ako kung anong gusto nila,” sabi ni dela Rosa.

Mariing itinggi ni dela Rosa na state-sponsored ang mga nangyayaring patayan.

Sinabi niya na gawa-gawa lamang ng mga kritiko ang isyung ito upang mapatalsik ang administrasyong Duterte.

“Makikita nila ang katotohanan na ang ginagawa natin na ‘yung pagpatay ay hindi totoo. ‘Yan na sinasabi ng mga kritiko natin o yung nag-file ng kaso [na] state-sponsored na utos [daw] ni Presidente ha, they will be proving wrong. I tell you. I tell you deep inside my heart. Ako, ipapakita ko sa kanila ‘yung mata ko, tumingin ka sa mata ko, ikaw imbestigador. tignan mo kung ako ay nagsisinungaling,” sabi ni dela rosa.

“Kapag nandyan [na] ‘yan haharapin namin ‘yan. Wala kaming itinatago. Malaman nila ‘yan kapag nag-imbestiga sila na hindi pala ito utos ni Presidente, hindi pala ito state-sponsored. Anong state-sponsored? sinong g*g*ng presidente ang magpapapatay sa kanyang mga sariling tao? Mga Pilipino ‘yan and to think na si Presidente talagang mahal na mahal niya yung mahirap na tao, papatayin mo lang ng ganun? gusto mo ipapatay dahil lang ano, for what?,” dagdag pa ni dela Rosa.

Hinamon din ni dela Rosa ang ICC na ipa-lie detector test siya upang malaman kung siya ba ay nagsasabi ng katotohanan o ito'y nagsisinungaling.

“Ipa-lie detector mo ako kung ako ay nagsinungaling na ‘yung mga patay na ‘yan, yung allegedly EJK na sinasabi na extrajudicial killing. Kung ‘yan ay kautusan ng Presidente o ‘yan ay state sponsored, makikita niyo kapag kayo ay nag-imbestiga… I will cooperate,” sabi ni dela Rosa.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  news.tv5.com.ph

No comments

Powered by Blogger.