Arnel handang barilin ang killer ng OFW na itinago sa freezer ng 1 taon


Pagkatapos sunduin ni OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio ang bangkay ng kababayan nating OFW na si Joanna Demafelis ay bumagsak ang emosyon nito habang siya'y nagkwekwento.
Si Demafelis ay pinahirapan at kinitil ang buhay ng kanyang amo sa Kuwait at itinago ang kanyang bangkay sa loob ng freezer ng mahigit isang taon.
Ayon kay Arnel, pinagmasdan niya ang mukha ng bangkay ni Demafelis at halos hindi na ito makilala.

Sabi ni Arnelli, “Wasak ang bibig niya. Pero mas wasak ang dibdib ko sa sobrang awa at malalim na galit sa inabot ni Joanna. Walang kaluluwa ang gumawa nu’n sa kanya!

“Sabi ko nga, kapag may nag-utos sa akin na barilin ang taong ‘yun na walang kaluluwa at awa sa kapwa niya, e, walang pagdadalawang-isip kong gagawin ‘yun!

“Isipin mo ang sinapit ni Joanna. Hanap nang hanap ang pamilya niya sa kanya, pero nasa freezer na pala siya at literal nang malamig na bangkay! Nakakaawa ang mga kababayan nating ganyan ang inaabot sa kagustuhan nilang kumita at tumulong sa kanilang pamilya.

“Syrian ang naging amo ni Joanna. Nu’n pa pala niya sinasabi sa pamilya niya na malupit ang pinagseserbisyuhan niya. Konting pagkakamali lang, e, sinasaktan na siya.

“Imagine, isang taon siyang itinago sa freezer? Gawain pa ba ‘yun ng taong nasa tamang huwisyo? Nakakaawa si Joanna, parang sasabog ang dibdib ko sa galit nu’ng makita ko ang bangkay niya,”

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.



No comments

Powered by Blogger.