70 smuggled luxury cars ang dudurugin sa Martes


Aabot sa 70 smuggled luxury cars ang dudurugin gamit ng bulldozer sa darating na Martes sa Port Area, Manila.
Kasabay ng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng ika-116 anibersaryo ng Bureau of Customs (BoC), sasaksihan mismo ng Pangulo ang pag-bulldozer sa mga nasabing mamahaling sasakyan.

Sinabi ni Spokesman Harry Roque na malinaw ang mensahe ng Pangulo na hindi nito kukunsintihin ang ganitong smuggling activities at iba pang tiwaling aktibidad.

Ayon pa kay Sec. Roque, sarado na rin si Pangulong Duterte sa panukalang gawing service vehicle sa gobyerno ang mga luxury cars imbes na sirain.

Sinabi rin ni Roque na dahil sa mga ginagawang aksyon ng Pangulo upang labanan ang smuggling lalo na sa katiwalian ay nagpapatunay lamang ito na seryoso ang pamahalaan sa pagpuksa sa mga ganitong gawain.

Ang mga nakatakdang sisraing luxury cars ay nagkakahalaga ng mula P5 million hanggang P20 million bawat isa.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Indigenous Peoples (IPs) Leaders’ Summit na ginanap sa Naval Station Felix Apolinario , Panacan, Davao City, sinabi ng Pangulo na ang mga smugglers din ang nakikinabang kapag nagkaroon ng auction sa mga smuggled na mamahaling sasakyan dahil sila ang nakakaalam kung kailan ang subastahan at sila ang may perang pambili.

“Marami kayong kotse, pagkatapos pag auction, bigyan kayo ng papel ligal na mura pa. so ang gawin ko, ngayong Tuesday, manuod kayo sa pera nyo” saad ng Pangulo.

“So ang gawain ko, ngayong Tuesday, manood kayo sa pera ninyo. Kay tanang luxury car na gi-import, paligsan ko na ug tractor. I-bulldozer ko na karong Tuesday. Giignan na nako si Sid. Ayaw na ibaligya kay mao ra gihapon. Sila ra may makinabang, sila ra maoy gihapon ang mag-atang. Legal pa, mura pa, kay auction,” ani Pangulong Duterte.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.