2 pang batang naturukan ng Dengvaxia, patay! Noynoy Sinisi


"Makonsensya na sana kayo!" ito ang pahayag ng isang ina ng batang namatay dahil sa dengvaxia vaccine.
Galit na galit si Aleng Analyn sa mga nasa likod ng mass vaccination ng Dengvaxia.

Isa kasi ang 13 years old na anak niya na si Mark Axl sa mga nabakunahan ng Dengvaxia. Nahospital ang bata nitong lunes pero namatay agad kinabukasan.
Hindi naman naniniwala si Analyn na simpelng dengue lang ang ikinamatay ng kanyang anak, para sakanya napabilis ang buhay ng anak dahil sa naiturok na dengvaxia.

"Yun talaga ang kutob namin eh, bigla nalang bumagsak ang katawan niya eh,"

Ayon pa kay Analyn huli na bago nya malaman na naturukan pala ng dengvaxia ang kanyang anak.

"Malaki po talaga ang hinanakit ko! bago man lang sana sila magturok sa bata, sana tinanong nila kung alam ng magulang. Mayroon pa naman magulang yang mga estudyante na yan, bakit nila turukan!” sabi ng ina ni Mark Axl.

Ayon naman sa lumabas na autopsy sa bangkay ng bata, lumaki ang internal organs ng bata at matindi rin ang pagdurugo sa baga, puso, at utak.

Kumbinsido naman ang Forensic team na sintomas ito ng tulad ng severe dengue ang ikinamatay ng bata.

Nanawagan rin ang nanay ni Mark Axl kay pangulong Duterte na tulungan sila, dahil nababahala rin umano siya na baka marami pang bata ang mabiktima tulad ng kanyang anak.

"Pangulong Duterte, parang awa mo na tulunga  nyo po kami. mahirap lang po kami.. ilang bata pa po ang mamamatay kung hindi nyo kami tulungan" Ayon kay Analyn.

Ganun rin ang isa pang ina na namatayan ng anak dahil sa dengvaxia, humuhingi rin ito ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak.

"Ipaglalaban ko po hanggang sa huli, mabigyan ka lang ng hustisya"

Panoorin ang video sa ibaba:



***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.