Pres. Duterte muling binantaan ang mga police scalawags; Bilang na ang mga araw niyo.



Muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga abusadong pulis o mga pulis scalawags na bilang na lamang ang mga araw ng mga ito.
Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na naiintindihan niya ang ilang pulis na mahaharap sa ilang kaso dahil ginawa lamang ang kanilang duty ngunit ang hindi nito maintindihan ay iyong mga nasasangkot sa kurapsyon at droga.

“That graft and corruption will remain – ito na lang sabihin ko para sa lahat sa atin, wag sa panahon ko, just give the Filipino a respect.. about 4 years…not during my watch.. please wag sa panahon ko baka magkahiyaan tayo”ani Pangulong Duterte.

Ginawa ng Pangulo ang pagbabanta sa kanyang pagdalo sa turned-over ceremony ng 26 na bagong units ng Mitsubishi Patrol Vehicle mula bansang Japan para sa Davao City Police Office.

Pagtatanggol pa ng mahal na Pangulo na handa itong protektahan ang mga pulis na gumawagawa ng mabuti sa kanyang trabaho ngunit hindi magdalawang isip na sibakin sa pwesto ang mga corrupt na opsiyal.
Dagdag pa ng Pangulo na may sisibakin itong 46 na pulis scalawags at tatlong general dahil sa pagkakasangkot sa kurapsyon at droga.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  bomboradyo.com

No comments

Powered by Blogger.