P25-B financial assistance, ibibigay sa mga mahihirap na maapektuhan ng TRAIN



Ayon kay 1PACMAN PL Rep. Michael Romero, nakapaloob sa 2018 budget ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na maaapektuhan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN at pautang para sa mga PUV operators and drivers na maaapektuhan naman ng PUV Modernization ngayong taon.
Tiniyak ni Romero ang pagbibigay tulong para sa mga maaapektuhan ng bagong batas.

Ayon kay Romero, nasa P24.488 billion ang financial assistance na ibibigay sa mga mahihirap sa ilalim ng Tax Reform Cash Transfer Project.

Nasa kamay naman ng Department of Social Welfare and Developmen (DSWD) at Landbank of the Philippines ang pagbuo ng guidelines para sa distribusyon ng subsidiya sa mga mahihirap.
Samantala, nasa P1.33 billion naman ang inilaan ng Department of Budget and Management at Landbank para sa pautang sa mga PUV operators and drivers kasunod na rin ng pagpapatupad ng modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  rmn.ph

No comments

Powered by Blogger.