Mabilis na proseso na pagkuha ng titulo ng lupa, inilunsad



Ipinaliwanag ni Deputy Administrator of Land Administration Authority Atty. Robert Leyretana kung paano mapapabilis ang proseso ng pagkuha ng certified true copy ng titulo ng lupa.
Ipinaliwanag rin nito na ang ‘Title Upgrade Program’ ay ang paraan para sa mga manually issued title o lumang titulo ay pwedeng palitan ng digital copy na nakapasok na sakanilang database.
“Out of that 164 RDs registry offices nationwide 159 na yung computerized so lahat ng mga titulo ninyo numbering about 24.5 million of registered titles nationwide ipinasok namin sa database, nakaabang lang yan sa database pero when you get a certified true copy parang manually scanned title. Kaya itong Title Upgrade, iuupgrade naming sya into fully digital copy of your (land title), hindi na sya scanned lang,” linaw ni Leyretana.
“Before, you have the manually issued title pagdating mo sa RD hahanapin yan, the original copy on file with the RD kasi may physical copy involved. Ngayon since fully digital copy na sya wala nang physical copy nasa database na. So, if you get a transaction since wala nang physical copy to be retrieved in the RDs board mas mabilis yung transaction,” aniya.

“For example if you have a deed of sale transaction pag ang titulo mo ay fully digital it will only take you about 2 to 3 hours prior dati aabutin ka ng linggo,” dagdag pa nito.

Sa kabila naman ng mga suliranin na maaaring kaharapin kaugnay sa pag-hack o cyber threat ay sinisigurado ng ahensya na hindi maaapektuhan ang kanilang database dahil hindi ito konekatado sa web o isang Intranet system, na hindi accessible sa internet.
“The Land Registration System have already provided and adequately addressed the concern of possible hacking or any cyber threat this has been tested, hindi naapektuhan ang aming system, you know why I ask yung aming provider it has been explaining na itong aming system is an Intranet system in other words hindi sya konektado sa web, hindi sya web based, hindi ya accessible sa internet even sa aming ahensya kung sino lang ang authorized ang pwedeng maka-access sa system not every computers in the LRA and its registry station nationwide can access the system,” pagbibigay-diin nito.

“Yung aming database is very secured kung sa first server namin dun sa RD, meron kaming first line of defense, yung first level server it is backed up by another server sa LRA central office and then another back up is being maintained in a disaster recovery facility,” linaw ni Leyretana.

Panoorin ang video sa ibaba:



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.