Leni ipinagtanggol ang Rappler: Kung walang bantay, sinong magbabantay sa umaabuso?



Matapos maglabas ng desisyon ang Security and Exchange Commission (SEC) na ikansela ang Certificate of Incorporation ng Rappler ay nagbigay naman ng komento si Vice President Leni Robredo tungkol sa mainit na isyung ito.
Ayon sa ulat, pinopondohan umano ang Rappler ng Omidyar network na pag-aari ng Ebay founder at ang negosyanteng si Pierre Omidyar.

Dahil dito ay nilabag diumano ng Rappler ang konstitusyon ng Pilipinas dahil dapat ay Pilipino citizen lamang ang pwedeng mag may-ari ng isang media company sa bansa.

Ayon kay Robredo, dahil sa nangyaring ito ay pwede itong pagmulan ng pagkabahala dahil nalabag daw diumano ang freedom of the press at freedom of expression sa ganitong sitwasyon.

Sinabi rin ni Robredo na kailangan ang media sa bansa at kung ano ang silbi nito upang maging bantay sa mga umaabuso sa pamahalaan.

"Alam natin kung ano ang silbi ng media. Sinasabi natin na yung media, sila yung inaasahan na maging watchdog, sila yung bantay para mabantayan yung pagsubok na pangaabuso ng nasa pamahalaan. Kung wala ng bantay, ano na yung makakahadlang para sa mga umaabuso na mga opisyal na nakaupo ngayon." paliwanag ni Robredo.

"Inaasahan sana natin na yung media yung tumututok sa ganun. yung media ang nagbibigay saatin ng impormasyon kung meron mga ganitong pangaabusong nangyayari" Dagdag ni Robredo.

Ayon sa interviewer, sinabi nito na ayon sa Malacañang hindi naman ginusto ni Pangulong Duterte na ipasara ang Rappler.

Sinabi ni Robredo na wala siya sa posisyon na magkomento tungkol dito dahil hindi siya mismo ang nakarinig sa pahayag ng Pangulo.
"Mahirap magkomento kasi hindi ako mismo yung nakarinig. Pero kailangan kasing maalis sa isipan natin lahat na parang hindi patas yung treatment sa ibat-ibang ahensiya ng media."

Panoorin ang video sa ibaba:

No comments

Powered by Blogger.