Gordon kay Noynoy: Mag-sorry ka sa Dengvaxia controversy at pagbayaran mo!


Dahil sa pagmamadaling maiturok sa mga bata ang Dengvaxia laban sa dengue kahit hindi ito nakakasigurong ligtas, pinahihingi ni senator Richard Gordon ng tawad si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sinabi ni Gordon na dapat wag maghugas kamay ang dating pangulo tungkol sa isyung ito tulad ng ginawa nito kaugnay ng Mamasapano tragedy.

“At the very least ngayon pa lang mag-apologize na siya,” diin ni Gordon.

Pinatutularan nya si dating US President Jimmy Carter na humingi ng paumanhin sa 1979 hostage crisis sa Iran kung saan marami ang namatay sa iniutos niyang rescue mission para sa mga binihag sa US Embassy sa Tehran.

Gayahin din aniya si dating British Prime Minister Winston Churchill na humingi rin ng tawad para sa Galipolli campaigns.

Ayon kay Gordon, kahit humingi na ito ng tawad sa taumbayan ay dapat parin siyang managot sa batas.

“Kahit mag-apologize, that will not exculpate him. Unethical yung makipagmeet, dalawang beses (Sa Sanofi). Dalawang beses ang meeting, sa APEC meeting sa China at sa Climate Change Summmit sa Paris, France,” ani Gordon.

Ayon sa lumabas na imbistigasyon, dalawang beses nakipagpulong si dating Pangulo sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur.
Hindi naman mapakali ang mga magulang na nabukunahan ng Dengvaxia dahil lumabas sa ulat na ilang bata na ang namatay at nagkasakit dahil dito.


***


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  tnt.abante.com.ph

No comments

Powered by Blogger.