Duterte sa mga nagnakaw sa bagahe ng OFW sa Airport: Patayin mo na lang!



Dahil sa walang tigil na nakawan ng bagahe sa paliparan napuno na si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyung ito.
Kamakailan lang ay meron ulit report ng nawalan ng gamit sa kanyang bagahe ang kababayan nating overseas Filipino worker sa Clark Airport.

Nakipagpulong si Pangulong Duterte sa mga opisyal ng paliparan Deparment of Transportation, Bureau of Customs at sa mismong biktima ng pagnanakaw na sina Jovinal Dela Cruz  Rosemary Verzosa.

Umabot ito sa pangulo matapos mag-viral sa social media ang video ni Dela Cruz sa Clark International Airport na ipinapakita ang binalikan niyang bagahe na wala nang laman.

“I would demand that there will be justice instantly. Kung sino ‘yung provider, service provider diyan, you terminate the contract and look for another one,” pahayag ni Duterte.

“And so for the other airports in the country, I do not want it repeated ever again,” dagdag niya.

Kaagad namang inimbestigahan ng kompanyang Miascor, ang may hawak sa mga taong nag-aasikaso ng bagahe ng mga pasahero, ang insidente at sinuspinde ang anim na empleyado.

Binayaran din nila ang halaga ng mga nawalang gamit na umabot sa P84,000.

Ayon sa report ay nasampahan na ng kaso ang anim na suspek ngunit agad naman itong nakalaya matapos magpiyansa.

“Patayin mo na lang,” sabi ni Duterte. “Kontakin mo na lang ‘yung police dun. Marami ‘yan diyan.”

Humingi naman ng paumanhin ang pangulo kina Dela Cruz at Versoza ngunit nainis nang malaman na nabayaran na sila ng Miascor.

“Ah, p***** i** ‘yung… Hindi ko, hindi ko ‘to --- walang areglo diyan. ‘Pag hindi, parusahan ko kayo. Kung hindi ninyo gawin, ako ang papatay diyan. Isa-salvage ko ‘yan,” wika ni Duterte.
“Sabihin mo talaga ‘yan sa MIASCOR na --- gusto niyo kayo ang pumatay niyan? Kay ‘pag hindi, kayo ang bibirahin ko. Tutal marami na lang rin akong kaso diyan, eh dagdagan ko na lang,” dagdag niya.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  philstar.com

No comments

Powered by Blogger.