DOUBLE YOUR MONEY SCAM | Magandang babae na scammer, tumangay ng P400M, arestado!



Sa Davao City ay naaresto ang isang babaen na si Ma. Elma Grace Castillo Corona, isang suspek sa modus na “double your money”.
Si Corona ay galing pa ng Maynila bumiyahe sa Davao City para kumubra ng isang-milyong piso sa kanyang biktima, ngunit agad itong naaresto sa entrapment operation ng mga pulis.

Modus ng suspek na manghiram ng pera para gamitin sa kanyang lending company na ipinapautang naman daw sa mga empleyado ng Bureau of Customs.

Sa una at pangalawang bayaran, tumutupad umano si Corona pero sa pangatlo ay ide-delay na niya ang pangakong dobleng kita.

Ayon sa balita, mahigit 400-milyong piso na ang nakumlimbat ni Corona mula sa mga nabiktima nito.

Viral naman ngayon sa social media ang post ng isang netizen tungkol kay Corona.

Basahin sa ibaba ang buong post:

"BIG TIME SCAMMER GRACE CORONA NADAKIP SA CEBU 😡😡😱 ..

"Her story :

"Ma Elma Grace Corona or Grace Corona Scam , maawa ka naman sa sarili mo at sa Pamilya mo, maawa ka sa nga taong biniktima mo, di namin inaasahan na sa isag iglap ay nawala nang parang bula ang perang ilang taon naming pinagsikapan. Sinira mo ang tiwala namin nang malaman namin na fake pala lahat ng permit at sabi mong malaki mong company na #GC Lending Corp.
"Malaki ang tiwala namin sa sinabi mong ang pera ay iniinvest o pinapalago mo sa Customs , engineers, teachers para lumago. Bakit ngayun biglang kang nawala sa Opisina mo sa Pavino Compound Sasa Davao City. Lahat nang cheke na ibinigay mo ay tumalbog lahat at nalaman nalang namin na marami na palang biniktima mo pati sarili mong lugar sa Davao City at Panabo City , Pati Tagum , Manila at Cebu niloko mo. Ibalik mo ang mahigit 8 milyong perang pinaghirapan naming lahat nang dugo at pawis namin. Nagtiwala kami sayo pero sinira mo pati mga kamag-anak natin niloko mo. May hangganan lahat nang panloloko mo at sana ibalik mo lahat nang perang nakuha mo! May karma at naniniwa parin kami sa batas lalong lalo na sa #Davao mopa ginawa ang mga panloloko mo!

Panoorin ang video sa ibaba:



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments

Powered by Blogger.