Atong Ang inalok Ang PCSO ng P200M kada buwan na suhol


Ayon sa balita, inalok diumano ng negosyanteng si Atong Ang ng P200 milyong pisong suhol kada buwan si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Alexander Balutan, upang makuha ang pamamahala sa pagpapalakad ng Small Town Lottery sa Pilipinas.
Ito ang isiniwalat ni Balutan kahapon sa pagdinig ng House committee on games and amusement.

Sinabi ng PCSO chief na si ang negosyanteng si Atong Ang ang nagtakang mangsuhol sakanya.

Sinabi ni Balutan na sinamahan ng ngayo’y PCSO board member Sandra Cam si Ang nang alukin siya ng suhol.

Sinabi rin nito na kaya nitong mapatuyan ang lahat ng sinabi sa kuha ng mga mga closed circuit television cameras.

Dahil sa pangyayaring ito, kaagad naman itong binaggit ni Balutan kay Duterte.
“He told me: don’t bend your rules. Just follow your rules. Just follow your rules, even if it involves my own son,” sabi umano ni Duterte kay Balutan.

Pinabulaanan naman ni Cam ang mga paratang ni Balutan.

“He’s lying through his teeth. Atong Ang and President Duterte are friends. The P200 million Atong was talking about was the total amount of STL revenues on a daily basis,” sabi ni Cam.

Ayon pa sa PCSO board member ay si Special Assistant to the President Bong Go ang nagpapunta sa kanila.

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  philstar.com

No comments

Powered by Blogger.