A mother shared her experience with her daughter’s unexpected condition.



A heartwarming story from a mother named Nej Graiz, which posted on her Facebook account about an unexpected tragedy that came to her life that tested her faith in God and courage as a mother, who will do everything just for her family. This story will sure give you lesson in life and will make you believe on the power of faith.
The incident started last December 27, 2017 when she and her daughter, Zoe, went to a mall to watch a movie. 
While watching, Graiz noticed her daughter blinking and looking sleepy, which she thought that Zoe did not have enough sleep because of too much use on her tablet. But without knowing, this was the start of the problem that she would need to face. 
Zoe asked her mom to go home because she was not feeling well.  But when they got home, she complained the severe pain she was feeling in her stomach. Graiz hurriedly sent her daughter to Makati Medical City, feeling nervous and wondering why her daughter suddenly felt pain in her stomach. 

Zoe was immediately transferred to the ICU (Intensive Care Unit) because the doctor found out that she is Type 1-Diabetic and has Severe DKA(Diabetic Ketoacidosis).
“Hindi na daw kaya mag provide ng insulin ang katawan mo kaya kinakailangang bigyan ka na nito. Yung mga cells sa katawan mo hindi nila nakukuha yung mga sugar na nakapaligid lang sa kanila dahil walang insulin kaya ang ginagawa nila humihingi sila sa brain mo at dahil dun nag rerelease nang nag rerelease yung brain mo mga fluid dahilan para lalong tumaas ang sugar mo at maging unconscious ka (Her body can no longer provide insulin that’s why we gave you this. Her cells can’t get the sugars that surround them that’s why, you cells asked your brain, which resulted to Hyperglycemia because of the fluid that her brain released).” The doctor explained to Graiz.

Graiz did not stop from praying for her daughter’s fast recovery, who was still unconscious for 24 hours, avoiding the thought of the possibility that she could lose her daughter. Until one time, Zoe woke up and told Graiz that the star told her to stand. That very moment, Graiz was unable to hold back her tears and started crying and hugging Zoe. But Graiz did not stop instead, her faith in God became much stronger.

After 2 days in the ICU, Graiz was slowly felt relieved when she saw an improvement on Zoe’s condition until she became conscious.

Graiz did not feel sad after knowing Zoe’s condition and will need to take the insulin for the rest of her life. There is nothing can be compared in the happiness that Graiz is feeling right now and said that she’ll be forever thankful and faithful to God for giving her daughter a chance to live.

She ended her post by giving an advice to all mother to somehow monitor the sugar level of their children and be more aware to their health. She learned that it doesn’t mean that a baby is fat, the baby is healthy.

As of now, the post of Graiz has 65.8K reactions and was shared 47.7K times by the netizens.

Read the full post below:

Pumunta kaming Mall para manuod ng sine, mamasyal at maglaro. Natatandaan ko pang naiinis ako sayo nun kasi antok na antok ka, panay nga tanong ko sayo ng kung nag pupuyat ka ba e kasi talagang inaantok ka. Nakaisip pa nga kong kunin ung tablet kasi naisip ko na baka dahil dun kaya napupuyat ka. May gana ka namang kumain kaya di ko naiisip na may sakit ka na. Napansin ko na din ung sobrang pag ka uhaw mo..halos maya maya nauuhaw ka kaya maya't maya ka din naiihi. Nung nasa sinehan nga tayo naka ilang balik tayo sa cr dahil panay ang yaya mo. Pero after ntn manuod ng sine nawalan ka ng ganang kumain at tulad ng knina mo pang mood matamlay at antok ka nanaman, tinatanong kita kung ok ka lng o kung may masakit ba sayo pero umiiling ka sakin bilang pag tangi. Nag yaya na kong umuwi matapos natin manuod ng sine dahil medyo nalulungkot din ako na parang pakiramdam ko hindi ka nag eenjoy sa bonding natin yun pla nag sisimula na ang lahat..

Pag ka hatid ko sa bahay, humiga ka sa sofa at nag simula ka nang mag reklamong sumasakit tyan mo mga ilng minuto pa lumipas nanlalambot kna kaya nisipan nming isugod kna sa Makati Med. Ang iniisip ko tamang pa check up lang to para resithan ka ng doctor dahil sa sakit ng tyan mo never sumagi sa isip ko na may iba pang mas delikadong dahilan. Pinauna ko na kayo ng lola mo sa MMC dahil kailngan ko pa kunin yung healthcard mo na naiwan ko sa bahay kaya naghiwalay tayo at dali dali akong umuwi para kunin ung card. Sa pag byahe ko pabalik sayo papuntang MMC naka tangap ako ng txt from Mmc na tinransfer ka sa Critical Area. Nag simula na kong kabahan, iniisip ko kung anong nangyari at nasa critical area ka.. pinilit kong alamin sa MMC kung bkit pero hindi sila pwedeng mag disclose. Pag dating ko ng MMC dumiretcho ako agad sa Critical Area at doon nakita kitang hindi mapakali sa sakit ng tyan habang nakakabit sayo ung mga aparatong nagmomonitor ng paghinga at pag tibok ng puso mo. Hirap ka na ding huminga kaya nkakabit yung oxygen sayo.

Sari saring tanong at halo halong emosyon ang nararamdaman ko hangang sa lumapit sakin ang isang doktor doon. "Kayo po ba ang mommy?".. tanong nya sakin. "Opo", sagot ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para maintindihan ko sya sa pag papaliwanag nya pero hindi maabsorb ng utak ko dahil sa nakikita ko. Inexplain nya sa aking mabuti sa paraan na mahinahon at mapapakalma ako, tingin ko napansin din nyang balisa ako.. Sabi nya dumating k daw doon na sobrang masakit ang tyan at nag simula kang mag suka. Kinuhaan sya ng dugo para itest at nakita nyong mataas ang sugar nya, umabot sya ng 600 which is ng normal lang sa mga batang kagaya nya ay 60-80 (I cant actually recall) Imagine??? A 6 year old child nag 600 ang sugar??! Parang kinakalabog dibdib ko nung marinig ko yun. Sinabi din nya sakin na papunta na yung Doctor na specialize sa ganitong case kaya wala kaming magawa kundi ang maghintay.

Ilang oras pa't di na ko mapakali sa nakikita ko sayo, lalo kang nahihirapang huminga at para mo nang hinahabol ang hininga mo. Hindi kna din masyadong nag reresponse kapag ginigising ka ng mga nurse at doktor tuwing tatawagin nila pangalan mo. Ang huli mong sinabi "Mommy punta dun".. nagulat ako sa sinabi mo, para kang nananaginip at nag tuturong nagkamalay saglit tapos tulog ka nanaman. Naiiyak na ko dahil nakikita kong hirap na hirap ka na at wala na kong ibang alam gawin kundi mag dasal sa Diyos. Maya Maya pa't dumating na ang doktor, nagpakilala sya sakin at tinignan ka nya ng may pangamba.. lahat chineck nya, lahat inalam nya. Hindi ko man maintindihan ung nga medical terms nila sa pag uusap nila nakikita ko sa muka nyang nag iisip nya ng malalim. Nag simula na syang iexplain pa sakin kung ano ang nangyayari sayo..Severe DKA - Diabetic Ketoacidosis , Type 1 Diabetic ka. Hindi na daw kaya mag provide ng insulin ang katawan mo kaya kinakailangang bigyan ka na nito. Yung mga cells sa katawan mo hindi nila nakukuha yung mga sugar na nakapaligid lang sa kanila dahil walang insulin kaya ang ginagawa nila humihingi sila sa brain mo at dahil dun nag rerelease nang nag rerelease yung brain mo mga fluid dahilan para lalong tumaas ang sugar mo at maging unconscious ka. Binigyan ka ng insulin at gamot para ma protect yung brain mo at the same time. Matapos nyang iexplain sakin lahat sinabihan nya kong "Mommy, shes very critical. I'm not trying to scare you but I want you to know that your daughter's conditions is very serious. And I'm not sure with this but I am doing my best". Hindi na mapigilan ang luha ko sa pag tulo sa mga salitang narinig ko. Wala nang mas sasakit pa sa marinig ang mga salitang yan habang nakikita mo yung anak mong hirap na hirap. Sa mga binitawan nyang salita wala akong naging ibang response kundi "Please doc, please". 

Dasal ako ng dasal, walang hinto kong kinakausap ang Diyos para makulitan sya sakin at itigil na to. Hindi na kinakaya ng puso ko ung pag hihirap mo. Maya't maya ka kinukunan ng dugo, maya't maya tinetest ang sugar mo. Inilipat ka sa ICU para mas matutukan ka ng Doctor mo doon at sa pag punta dun lalo na kong naiyak, hindi ko na mapigilang humagulgol sa sobrang bigat sa puso ng sitwasyon. Ang sakit makita na habang nakalatay kang walang malay tulak tulak nila hindi maalis sa isip ko ung mga tanong kung anong nangyari? bakit nag kaganun? Pano nangyari yun? bkit ikaw pa? Sa panahong wala nang kayang sumagot ng mga tanong mo, sa panahong hindi ka na nila kayang icomfort nang salita... wala akong ibang gustong makita at marinig kundi yung boses at ngiti mo. 

Lumipas na ang 24 oras, wala ka pading pinag bago. Dinadalaw ka ng mga taong nag mamahal sayo, pinag darasal ka din nila ng sobra sobra para gumaling kna. Hindi ko maiwasan ang mag isip ng mga pangit na posibilidad na baka mawala ka sakin. Parang mababaliw na ko sa sakit, hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko sa Diyos. Naninikip dibdib ko, namamaga na mata ko sa kakaiyak. Hindi ko kayang matulog, Hindi ko kayang kumain.. gusto ko akuin lahat ng sakit na nararamdaman mo. Panay ang haplos at halik ko sayo kasama ng taimtim kong pakikiusap sa Diyos na wag ikaw at wag nya kong biruin ng ganito dahil hindi ko kaya. Namumuti at nanlalamig ung mga paa mo, nanunuyo na din mga labi mo.. bigla kang nagising ang nag salita "Mommy stand up daw ako sabi nung star". biglang sabi mo.. Niyakap kita, hinalikan kita sa nuo ng umiiyak ang sagot ko sayo "Anak walang star, ate please". Mas lalo akong iyak ng iyak sa mga sinabi mo. Pero hindi, hindi kita isusuko may tiwala ako sa Diyos, alam kong mabuti ang Diyos. Sinusubukan kang pa ulit gisingin.. mag mumulat ka lng ng mata pero parang di mo kami kilala tagusan ka kung tumingin at ang tanging naririnig nlng namin ay yung hirap mo sa pag hinga.

"You know mommy, by this time we're supposed to give up but No, not her not with her.. hindi pa ko namamatayan ng DKA at hindi sya ang sisira sa record ko". sabi ng Doctor nya. Hindi ko alam kung matutuwa o matatakot ba ko lalo sa sinabi nya pero may tiwala din ako sa kanya. Pilit akong ineencourage ng mga nurse doon na magaling yung doctor ni Zoe, isa sya sa pinaka magaling doon kaya mag tiwala daw ako. Habang nasa tabi mo ko, nag dadasal at nag hihintay na magising at maging okay ka.. narealize ko, mahal na mahal ka ng Diyos anak.. mahal na mahal ka ng mga taong nakapaligid sayo. Sabi ko nga, kung iisipin lahat ng bagay naaayon para sa ikakabuti mo.. sa dami siguro ng nananalangin at umiiyak sa kalagayan mo nakukulitan na ang Diyos kasi kahit yung mismong doktor mo pinag ppray ka din. Kahit siya nakikita kong nag aalala sya sayo.. kahit tapos na nga clinic hrs nya pupuntahan at pupuntahan ka padin nya dahil tlgang worried sya sayo. Bawat detalyeng nakukuhaan ko ng pag asa ay dumadagdag lalo sa pananalig kong magiging okay ka. Sabi ng doktor mo Dec 30 dapat maging stable kna dahil may out of the country schedule sya ibang doktor na hahawak sayo.. 

2 days na tayo sa ICU. 2 days walang kain at tulog.. 2 days na kong nagdadasal at naniniwalang gigising at magiging okay kna. And because of those prayers and faith.. unti unti nakikitaan ka namin ng good response. unti unti bumababa ung sugar mo and Thanks to God dahil unti unti kna din nagising. Now, you're at home na but still fighting that sickness. Type 1 diabetic ka daw, lifetime na yung insulin mo at kailangan na ng proper diet. To be honest, Hindi ako nalulungkot sa balitang yan.. dahil mas thankful akong gumising kna. Importante sakin nagising kna.
God is good and forever faithful kahit kabaliktaran nya tayo hindi siya nagbabago, hindi nya binabago kung ano sya at kung sino sya satin. Yung mga pananalangin natin buti nalang sinasagot nya dahil mabuti sya at hindi nya ibinabase sa kung ano tayo sa kanya. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa Diyos, sa mga taong umalalay , sa mga tumulong at tumutulong padin samin hangang ngayon. Nakikita ng Lord ang lahat, naniniwala akong naririnig nya din ung prayer kong ibalik lahat ng blessing at favor na shinare nyo samin. Ngayon, marami mang isipin.. mas nangingibabaw padin ang pasasalamat ko. Lalo na kapag nakikita ko si zoe ngaun na parang akala mo walang nangyari.. Hindi man madali sa ngayon para sa kanyang mag adjust, tutulungan ko syang mas maappreciate yung panibagong buhay na meron sya. 

Sa ibang mga mommies dyan, before di ko pinag tutuunan ng pansin yang sugar sugar n yan. Pero ngaun na realize ko na importanteng alam din natin or namomonitor din natin hindi lang ung panlabas ng mga anak natin kundi pati mismo ung nangyayari sa loob ng katawan nila. Importante plang aware din tayo dun.. walang mawawala kung ichecheck natin yun.. nkakaawa kasi sila pag nag kataon. Totoo nga noh, hindi porket mataba baby mo e healthy na..

***

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often. 


Thanks for dropping by and reading this post.


Source:  Nej Graiz FB

No comments

Powered by Blogger.