Pangulong Duterte, handang makipag-areglo sa ABS-CBN sa isang kundisyon



Handang makipag-areglo si Pangulong Rodrigo Duterte sa broadcast giant na ABS-CBN lalo’t mapapaso o ma-e-expire na ang franchise nito sa taong 2020.


Sinabi ni Pangulong Duterte na handa siyang makipagareglo sa ABS-CBN sa isang kundisyon kung tutulong ito sa pagsusulong ng kampanya tungo sa federal system of government.

“Kung magtulong kayo diyan sa federal system campaign at gawain ninyong slogan also for the unity and to preserve this Republic, makipagareglo ako.”




“Wala akong hingiin. Just dedicate a portion of your time, your expensive and precious time on TV, help us promote federalism,”

“Kayong mga network, wala kayo. Wala akong hingiin, ‘yan lang. And I said, I’m willing to shake hands with you,”

Pero hindi nakaligtas sa banat ng pangulo ang pamilya Lopez na may-ari ng nabanggit na media company dahil sa matagal na utang nito sa gobyerno.

Ang ABS-CBN franchise ay mag-e-expire sa March 30, 2020 ay kasalukuyang nahihirapang makakuha ng bagong prangkisa sa 17th congress.


***
Source:  politics.com.ph

No comments

Powered by Blogger.