P1-milyong multa sa pasaway na drivers sa Pinas




Plano ng mga Mambabatas sa Mababang Kapulu­ngan na itaas sa isang milyong piso ang multang baba­yaran ng mga pasaway na bus drivers na nagbababa at nagsasakay sa hindi tamang lugar.
Ayon kay House Metro Manila Development Committee chairman Winston Castelo, dapat taasan ang multa ng mga bus drivers hanggang isang milyon sa mga lalabag sa no loading and unloading policy.

Ayon sa isinusulong na bill ni Castelo, itataas sa kalahating milyon ang multa ng mga ganitong walang disiplinang bus drivers sa first offense at itataas ito sa isang milyong piso para sa second offense.



Kung umulit pa sa pangatlong pagkakataon ay kakan­selahin na ang prangkisa ng bus.

Ang trird offense ay kakan­selahin na ang prangkisa ng bus.

Sinabi pa ng kongresista na kailangang maturuan ng leksyon ang mga pasaway na bus driver para hindi na lumala pa ang sitwasyon sa lansangan lalo na dito sa Metro Manila.

Aminado ang kongresista na pangunahing dahilan sa pagkabuhol-buhol ng trapik ang mga bus na nagbababa at nagsasakay sa hindi tamang lugar.


***

Source:  philstar.com 
 

No comments

Powered by Blogger.