Kris, hindi ko kakasuhan ang kapatid mong si Noynoy – Duterte




Sa harap ng kinakaharap na kontrobersiyal na isyu ng Dengvaxia vaccine ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala sa agenda niya ang pagsasampa ng kaso laban sa dating pangulo.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya mapaghiganti at wala sa bokabularyo niya na gantihan ang mga politiko at mga dating opisyal na may atraso sa kanya.


Sinabi ni Pangulo na kinausap siya dati ng aktres na si Kris Aquino na wag nitong ipakulong ang kanyang kapatid na si Noynoy.

Binigyang-diin ng Pangulo na makakatulog ng mahim­bing si Kris na nag-aalala sa kanyang kuya.

“As I have said earlier, even Aquino, when Kris called me na “bakit…?” Sabi ko, ‘No’ ‘Sabi ko kay Bong, ‘yung aide ko, ‘You tell Kris, I am not into it’. But to be filing cases against a former President, hindi ko ugali ‘yang ganu’n,” dagdag pa ng Pangulo.


Nagsampa naman ng kasong mass murder at plunder sa Office of the Ombudsman si dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Augusto Syjuco.

Kinasuhan niya sina dating Pangulong Aquino at da­ting Health Secretary Janette Garin ng mass murder dahil marami umano ang mga namatay sa Dengvaxia na ginamit na pambakuna kontra dengue ng nakalipas na administrasyon.

Inakusahan din niya ng plunder o pandarambong sina Aquino at Garin dahil sa ginastos umano na P3.5 bilyon para sa pagbili ng naturang dengue vaccine.


***


Source:  Abante.com.ph
 

No comments

Powered by Blogger.