Kiko sa netizens: Lubayan n’yo na ang babae sa viral road rage video



Nagviral sa social media ang road rage kung saan sinaktan ng isang babae na si Cherish Sharmaine Interior ang isang matandang taxi driver na si Virgillio M. Doctor dahil sa gitgitan sa kalsada.

Nakunan ng video na minumura at sinaktan ni Interior ang taxi driver na nakagitgitan sa kalye sa Quezon City at tinangka rin nitong nitong sirain ang sidemirror ng taxi.

Dahil sa insidenteng nangyari, inulan ng batikos ang babaeng driver dahil sa masamang inasal nito.

Nagbigay naman ng pahayag si Senator Kiko Pangilinan tungkol sa pangyayari.

Sinita ng senator ang ilang netizen  na nananakot, nang-iinsulto at nagmumura sa babaeng nakunan ng video.

Sinabi ni senator Pangilinan na hindi dapat libakin at bantaan si Interior sa social media.

Aminado naman ang senator na dapat ay humingi ng paumanhin at dapat nitong pagbayaran ang nagawang kasalanan sa driver ng taxi.



“Mali ang ginawa ni Cherish at dapat siyang humingi ng kapatawaran at managot. Subalit sa tindi ng galit natin sa ginawa ni Cherish nagawa ng ilan sa atin na manakot, manlait, magbanta, mang-insulto at manakit ng kapwa. Ano ang pinagkaiba natin kay Cherish?” Sabi ni Pangilinan.

Sinabi ni Pangilinan na walang kaibahan ngayon kay Interior ang mga lumalait at nang-iinsulto rito ngayon sa Twitter at Facebook.
“We cannot defeat the wicked with wickedness nor the cruel with greater cruelty because in the end only wickedness and cruelty triumph,” dagdag ng senador.


***

Source:   tnt.abante.com

No comments

Powered by Blogger.