Higit sa 3 police colonel, 90 iba pa na sabit sa droga sisibakin - Digong



Namemeligrong masibak sa tungkulin ang 90 miyembro ng Philippine National Police (PNP) kabilang ang tatlong may ranggong superintendent dahil sa korapsyon at iba pang mga katiwalian.
“I am starting the purging and do not be insulted if you are not affected. Do not be angry because I have been angry about it,”

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga “gangsters” ang mga hindi pinangalana­nang tatlong colonel at iba pang pulis na “kurakot”  at mga gangsters na nakapasok sa gobyerno sa pamamagitan ng pagiging opisyal pa man din ng PNP.

“On Wednesday, mga tatlong superintendent, about 90, siguro mga minimum of 60 police, umalis kayo sa PNP. I am starting the purging at huwag ka­yong mainsulto kung hindi ka naman tinatamaan, huwag kang magalit kasi ako galit na sa dati eh,” anang Pangulo.

“I’m just warning itong mga pulis na kurakot… it could be the mayor’s office or it could be --- talagang hihiritan ko kayo, babantayan ko kayo,” wika ni Duterte.

Sinabi ni Presidente na nasanay na umano ang mga pulis sa kalokohan kaya naman dapat at maparusahan ang mga ito at hindi niya ito hahayaan na manatili ang ganitong masamang gawain.

“Alam mo bakit? Ka­yong mga gangster na nasa police o nasa gobyerno, medyo may takot ako, na ‘pag wala (na) kayo sa serbisyo, ‘yung baril ninyo na nalaman ninyo… then you start to bed, makitulog ka na doon sa mga gangster. Yun ang hanapbuhay ninyo eh,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi rin ni Pangulo na hindi patas na sumasahod ang ang tiwaling pulis sa pulis habang sangkot ito ang mga ito sa mga ilegal na gawain kaya ng panghoholdap at illegal drugs.

“Do not waste the money of the people because it’s not ours. If your business in government is not doing well, leave,” wika ng pangulo. “I said no corruption. You will destroy my nation. I will destroy you.”

***

Source:   Philstar.com
 

No comments

Powered by Blogger.