Employer ng babaeng nanampal ng taxi driver, nagsalita na



Nagsalita na ang VXI Global Holdings B.V., kompanyang pinagtatrabahuhan ni Cherish Sharmaine Interior, ang babaeng nanakit umano kay Virgillio M. Doctor, taxi driver.
Sinabi ng kumpanya na batid nila ang pangyayari ngunit ipapaubaya na nila sa mga awtoridad ang paghawak sa kaso ng kanilang empleyado.

"The incident occurred when the employee was on personal time and was not doing any work for VXI. We leave it to the appropriate authorities to handle the case," ayon sa VXI sa isang pahayag na inilabas Lunes ng gabi.

Ang VXI Global Holdings B.V. ay isang Business Process Outsourcing company.

Sinabi naman ng kompanya na walang puwang sakanilang kompanya ang ganitong klaseng paguugali lalo na at babae pa ito.

Ayon sa ulat, ang babaeng nanampal sa 52 anyos na taxi driver ay nabyuda na.

Kasalukuyang hinahanap na ngayon ng LTFRB si Interior upang makuhanan ng pahayag.

Basahin ang buong pahayag ng VXI PH sa ibaba:

"VXI Global Holdings B.V. is aware of the recent altercation involving a VXI employee and a taxi driver after photos, videos, and other postings about the incident circulated on social media."

"However, the incident occurred when the employee was on personal time and was not doing any work for VXI. We leave it to the appropriate authorities to handle the case."

"While VXI is not in any way connected with the incident, VXI does not condone misconduct and any inappropriate behavior by any of its employees."

Nagbigay naman ng pahayag ang 52 anyos na taxi driver tungkol sa mga nangyari.

"Nagso-sorry na ako dahil talagang ayaw ko ng gulo. Nagpakumbaba na lang ako."

“Sabi ko, 'sorry po. Di po sinasadya, 'yung pangyayari. Sorry po,"

"Kaya ako lumabas ng awto, akala ko maha-heart attack ako. Buti na lang hindi natuloy,"


"Nagulat ako, bigla, may sumuntok na sa window. Nung masuntok, sinisipa na tapos pinapalapabas yung taxi driver."

“Tapos minumura na nung lalaki. Ako, that time, na-shock at natakot na rin ako."

"Lumabas naman ng kotse 'yung girl -- kasi siya yung nagda-drive. Akala ko aawatin niya 'yung husband niya. Nagulat po ako kumuha, siya sa compartment ng golf club."

“Hinampas niya po 'yung taxi nang dalawang beses. Ako mismo sa loob ninerbiyos."

“Kitang-kita kita sa dash cam kina-cut mo 'ko, kanina ka pa e. Di mo ba alam kasama ko 'yung dalawa kong anak."
"Nakiusap po ako sa husband, kunin mo na lang 'yung plate number, magpapahatid na lang po muna ako. Tapos usap na lang kayo sa tamang lugar."

Watch the video below:


***


Source:  news.abs-cbn.com  
VXI PH FB

No comments

Powered by Blogger.